Pagpapailaw sa Alauli Flyover isinulong

Binansagan ang daan na ito noong araw na accident prone area o deadly crossing, dahil na rin sa dami ng aksidenteng naganap dito, kung kaya’t para maiwasan ang ganitong kaganapan, pinailawan na ito ng Pamahalaang Bayan ng Pilar sa pamumuno ni Mayor Charlie Pizarro, upang lalo pang mapangalagaan ang kaligtasan sa nasabing daan.

 

Sinabi pa ni Mayor Charlie na sa ngayon, paminsan minsan ay nagkakaroon pa rin ng aksidente sa nasabing lugar dahil ayon sa mga commuters ay madilim sa nasabing daan, at para mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng daan ay kanila na itong pinailawan.

 

Ikinatuwa ng mga nagbibiyahe ang ginawang pagpapailaw ng Pamahalaang Bayan sa nasabing daan, dahil mas ligtas ang kanilang pagbibiyahe lalo pa’t sa gabi, kung kayat maiiwasan o mababawasan na ang mga aksidente.

The post Pagpapailaw sa Alauli Flyover isinulong appeared first on 1Bataan.

Previous Meritocracy Act ni Cong Abet, basehan sa pag amyenda sa Seal of Good Local Governance Act
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.