Ang Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Gov Cris Garcia ay nagpaabot ng taus-pusong pasasalamat sa mga outgoing board members sa kanilang mga kontribusyon, serbisyo at dedikasyon sa paggawa ng mga makabuluhang batas para sa ikabubuti at pag-unlad ng lalawigan.
Pinasalamatan nila sina outgoing board members, Hon. Manuel N. Beltran, Hon. Benjamin C. Serrano Jr at Hon. Atty Antonino B. Roman III dahil sa kanilang serbisyo na nagbigay daan sa paglikha ng mga batas para sa ikabubuti ng lalawigan.
Ang kanilang integridad at karunungan ay nagbigay inspirasyon sa kanilang mga kapwa lingkod bayan na nagbigay ng positibong pagbabago para sa bayan.
Dagdag pa ni Vice Gov Cris Garcia, hangad nila ang tagumpay ng mga ito sa kanilang bagong mga adhikain na lalo pang magdadala ng papuri para sa lalawigan ng Bataan.
The post Pasasalamat sa mga Outgoing Board Members appeared first on 1Bataan.