Inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Engagement Campaign Plan 2025 sa Barangay Bangkal bilang bahagi ng layunin nitong palakasin ang serbisyong publiko at katatagan ng mga pamayanan.
Ayon kay Coast Guard Station Bataan Lieutenant Commander Michael John Encina, tampok sa aktibidad ang mga serbisyong pangkalusugan tulad ng medical at dental mission, feeding program, at pamamahagi ng mga relief goods para tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga residente.
Bahagi ang kampanya ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ihatid ang mga pangunahing serbisyo sa mga baybaying-dagat at pamayanang katutubo. Hinihikayat din ng PCG ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga lokal na stakeholder upang mapalakas ang tiwala ng publiko at matiyak ang epektibong paghahatid ng serbisyo sa mga coastal area.
The post PCG, inilunsad ang kampanya para sa komunidad sa Abucay appeared first on 1Bataan.