
Maganda ang pasok ng taong 2026 para sa bayan ng Bagac dahil sa mga epektibong programa at proyekto na ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni Mayor Ron del Rosario. Sa ngayon ay tinututukan naman niya ang peace and order sa kanilang bayan.
Sa pagpupulong para sa Peace and Order and Public Safety for the 2026-2028, na pinangunahan ni Konsehal Guillermo C. Mendoza bilang Committee Chair nito sa Sangguniang Bayan, na dinaluhan ni Mayor Ron del Rosario, higit na mapagtitibay ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Nagkaisa ang mga opisyal, PNP at iba pang sektor ng komunidad, na sama-sama nilang isulong ang isang ligtas, maayos at mapayapang pamayanan para sa lahat ng pamilyang Bagakeño.
The post Peace and order sa Bagac, tinutukan ni Mayor del Rosario appeared first on 1Bataan.