Pitong (7) barangay sa Abucay, pasok sa DILG Best Performing Barangays

Philippine Standard Time:

Pitong (7) barangay sa Abucay, pasok sa DILG Best Performing Barangays

Lubos na ikinatuwa ni Mayor Erik Martel na pito (7) sa siyam (9) na barangay sa bayan ng Abucay ay nanalo sa DILG Best Performing Barangays bagama’t nagtaka rin umano siya na hindi nakapasa ang dalawang barangay na magagaling at laging may award.

 

Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Martel na malaking bagay ang panalong ito dahil nangangahulugang lahat sila ay nagtatrabaho para sa mamamayan at sisikapin umano niya na sa susunod na taon na 9 out of 9 na ang kanilang panalo.

 

Ang nasabing parangal ay bilang pagkilala sa sipag, integridad at malasakit na ipinamalas ng pitong barangay, bilang mga nakapasa sa Excellence in Service and Transparency for Barangay o Best Barangay Performance Audit for Calendar year 2025.

The post Pitong (7) barangay sa Abucay, pasok sa DILG Best Performing Barangays appeared first on 1Bataan.

Previous Kasalang Bayan 2026, gaganapin sa Bayan ng Hermosa

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.