Rehabilitaasyon ng Zero Kilometer Marker sa Mariveles

Philippine Standard Time:

Rehabilitaasyon ng Zero Kilometer Marker sa Mariveles

Nagsimula na ang masiglang calendar of activities para sa 81st Landing Anniversary celebration sa bayan ng Mariveles na tatagal mula ika-13 hanggang ika-27 ng Pebrero.

Pinangunahan nina Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion at iba pang mga opisyal ng bayan ng Mariveles ang pagbubukas ng 26th Mariveles Inter-High School Sportsfest na sinundan kinabukasan ng Thanksgiving night na itinaon nila sa Araw ng mga Puso  na ayon kay Mayor AJ Concepcion ay bilang pasasalamat at pagbibigay-papuri  sa mga lider ng simbahan at mga religious groups sa kanilang mga panalangin at pakikiisa sa patuloy na biyayang tinatanggap ng bayan ng Mariveles.

Ngunit ang pinaka-sentro ng kanilang pagdiriwang ay ang paggunita sa makasaysayang pagdaong ng American Forces noong ika-15 ng Pebrero, 1945 sa dalampasigan ng Mariveles, isang mahalagang  hakbang tungo sa paglaya ng Bataan at buong Pilipinas sa pananakop ng Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Nagkaroon ng maikling programa sa Zero Kilometer Park para sa unveiling ng Rehabilitation ng Zero KIlometer  marker na ayon kay Mayor Aj Concepcion ay unti-unti nilang pinagaganda  ang mga historical sites sa bayan ng Mariveles para lalong mabuhay at tumatak sa puso’t isipan hindi lamang ng mga kasalukuyang naninirahan sa kanilang bayan kundi pati ang mga susunod na henerasyon. Isa umano sa layunin nito ay para mapanatili ang historical significance ng bayan ng Mariveles sa puso’t isipan ng bawat pamilyang Mariveleño.

Nagkaroon din ng parada ng iba’t ibang sektor sa bayan ng Mariveles  na nakiisa para ipaalala sa mga manonood ang kagitingan ng ating mga ninuno na naging daan upang makamit ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.

The post Rehabilitaasyon ng Zero Kilometer Marker sa Mariveles appeared first on 1Bataan.

Previous Alay dugo para sa Araw ng mga Puso

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.