Rep. Gila, nakipagdayalogo sa Central Luzon Bloc at DA

Dumalo si Cong. Gila Garcia sa ginanap na Consultative Meeting sa pagitan ng Central Luzon Bloc at Department of Agriculture, patungkol sa mga inilatag na programa at proyekto para sa higit na pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.

Nagkaroon din si Rep. Gila nang pagkakataon na maidulog ang ilang hamon sa implementasyon ng mga nasabing programa at maipabatid ang mga prayoridad sa susunod na taon.

Nagpasalamat si Rep. Gila sa kanyang mga kasamahan sa Central Luzon Bloc para sa nasabing inisyatiba na tutukan ang mga gawaing magsusulong sa kapakanan ng mga magsasaka at tiyakin na may sapat na masustansyang pagkain ang bawat pamilya.

Nakasama ni Rep. Gila sina Rep. Ana Bondoc, Rep. Tina Pancho, Rep. Danny Domingo at Rep. Abet Garcia; gayundin ang mga resource persons na sina Usec. Arrey Perez, Usec. Alvin Balagdag, at RD Eduardo Lapuz.

The post Rep. Gila, nakipagdayalogo sa Central Luzon Bloc at DA appeared first on 1Bataan.

Previous MBDA Act, isinalang sa Committee on Government Enterprise and Privatization
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.