
Matagumpay na isinagawa ang Sectoral Food Pack Distribution noong ika-26 ng Agosto sa Dinalupihan Civic Center para sa mga benepisyaryo mula sa sektor ng Persons with Disability (PWD), Solo Parents, Pedicab Drivers, Market Vendors at mga Senior Citizen Chairperson. Layunin ng aktibidad na maghatid ng tulong at suporta sa iba’t ibang sektor ng komunidad.
Dumalo sa programa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinangunahan ni MSWDO Head Cristina Banal, kasama sina Consultant for Social Services Ofelia Mendoza at Bokal Gaudencio Ferrer. Nagbigay sila ng suporta at pangunguna upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng food packs.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaang lokal sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III sa tuloy-tuloy na pagbibigay ng programang panlipunan, katuwang sina Congresswoman Gila Garcia at Governor Joet Garcia. Ayon sa mga opisyal, patuloy nilang sisikapin na maihatid ang serbisyong may malasakit at may ngiti sa bawat sektor ng Dinalupihan.
The post Sectoral food pack distribution sa Dinalupihan appeared first on 1Bataan.












