Sementeryo para sa mga aso– sa Orani

Hindi na kayo mag-aalala kung saan ililibing ang inyong alagang aso kapag pumanaw dahil magkakaroon na sila ng disenteng libingan, sa Orani, Bataan. Sinabi ni Orani Mayor Jon Arizapa na maglalaan siya ng isang ispayo para paglibingan ng inyong mga alagang aso o pusa.

Ayon pa kay Mayor Arizapa, ang libingan ng mga aso ay maaari din maging isang parke na puwedexng pasyalan habang dinadalaw ang huling-hantungan ng kanilang alaga. Samantala, isang public cemetery naman ang kasalukuyang isinasaayos na ng pamahalaan sa apat na ektaryang lupain ng Orani sa Barangay Bayan.

The post Sementeryo para sa mga aso– sa Orani appeared first on 1Bataan.

Previous Cong Abet, Cong Gila nanguna sa BFAR FishCore Program
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.