
Upang muling sariwain ang pagpapatupad ng tungkulin sa pagitan ng PNP at BFP ay ipinatawag ang dalawang mahalagang ahensya sa opisina ni Mayor Charlie Pizarro.
Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, sa unang linggo pa lamang ng bagong taon ay nagsagawa siya ng “Ugnayan sa bagong taon” para sariwain ang pagpapatupad ng mahalagang tungkulin sa pagitan ng PNP sa pamumuno ni P/Major Larry Valencia at BFP sa pamumuno ni Sr. Fire Officer 4, Maria Theresa Andrade.
Ito umano ayon pa kay Mayor Pizarro ay Alinsunod sa iisang adhikain ng bawat ahensya, ang maayos na pagpapatupad ng kanilang tungkulin para sa mapayapa at ligtas na bayan ng Pilar. Ayon pa sa kanya, mas mabuting ma-refresh sa bawat isa ang camaraderie at magkaroon ng pagkakaisa sa mga programa para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. Magtulungan sila para sa kaayusan at maging ligtas ang sambayanang pillarians.
The post “Ugnayan sa bagong taon” sa Pagpapatupad sa tungkulin ng PNP at BFP appeared first on 1Bataan.












