Patuloy pa rin ang pagbibigay ng ayuda sa mga solo parents sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Kamakailan ay isinagawa ang pamamahagi ng ayuda sa covered court ng Doña Francisca Subdivision Lungsod ng Balanga, sa pangangasiwa ng tanggapan ni 2nd District Congressman Joet Garcia.
Bukod sa mga solo parents binigyan din ng ayuda ang mga nagtatrabaho sa mga spa, salon at barbershop na nawalan din ng hanapbuhay mula nang isailalim sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang Bataan ng National IATF.
Hiniling ng masipag na Mambabatas na sumunod ang lahat sa mga health protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, social distancing at palaging paghuhugas ng kamay para mabuksan na ang ekonomiya.
Paalala din ng Kongresista, sa mga solo parents na hindi pa nakapagpapatala na magpatala na upang sila ay mapabilang sa mga bibigyan ng ayuda ng Tupad.
The post Ayuda sa mga nawalan ng trabaho, patuloy appeared first on 1Bataan.