Laking pasasalamat ni Gob. Abet Garcia kay G. Willy Tan, may ari ng Fiesta Community sa pagdodonate ng 3,000 sq. meters na lupain sa bayan ng Limay para sa itatayong ospital.
Ayon kay Gob. Abet, ang ginawa ni G. Willy Tan ay talagang pambihira dahil isang dahilan sa bahagyang pagkaantala ng pagtatayo ng ospital sa bayan ng Limay ay dahil sa kahirapang humanap ng lupa na pagtatayuan nito.
Kung kaya’t naging emosyonal si Mayor Nelson David sa pasasalamat nang sabhin ni G. Tan na hindi lamang 2k sq meters ang ido-donate nya kundi gagawin nya itong 3,000 sq. meters. Ayon pa kay David, ang balak talaga umano niya ay tawaran na lamang ang lupa sa mas mababang presyo kung kaya’t laking gulat umano niya nang ibigay ito nang libre.
Samantala ayon kay Cong Joet Garcia, lubhang napapanahon ang pagtatayo ng ospital dahil ang kanyang panukala sa kongreso na gawin itong Limay General Hospital ay ire-report na lang ni Sen. Bong Go na hospital bill sa plenaryo, at may amendment umano siyang isinusulong na gawin itong Regional Trauma Center.
Gayon na lamang ang kasiyahan ni G. Willy Tan, nang malaman na gagawing regional trauma center ang itatayong ospital. Ayon sa kanya, kung ang negosyanteng pumasok sa Bataan ay masaya sa mga nanunungkulan, hindi na kailangang humingi kundi kusang loob itong tutulong sa bayan. Ang Fiesta Community ay may “calling” na matupad ang pangarap ng isang ordinaryong mamamayan na magkaroon ng isang disenteng tahanan.
Dagdag naman ni Gob. Garcia, bago pa man ang pandemya ay napakaraming trabaho sa lalawigan pero hindi makasabay sa pagkakaroon ng magaganda at abot-kayang mga tahanan ang mga mamamayan. Nakita na umano ito ni G. Willy Tan, apat na taon na ang nakakalilipas, kung kaya’t siya ay nagpasimula ng mga housing projects. Sa buong Region 3 ay nangungunang developer ang Fiesta Community
The post Donasyon ng Fiesta Community, taos-pusong pinasalamatan appeared first on 1Bataan.