Filing ng COC, simple at matahimik

Philippine Standard Time:
Filing ng COC, simple at matahimik

Filing ng COC, simple at matahimik

Sa kabuuan, naging tahimik at simple ang katatapos na walong araw na filing ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato sa buong lalawigan ayon sa COMELEC.

Halos ganito rin ang ulat ng PNP sa pamumuno ni Bataan Provincial Director, P/Col Joel Tampis na wala umanong ulat ng kaguluhan o krimen na kaugnay ng COC filing.

Samantala sa panayam sa ilang mamamayan tulad ni aling Gloria ng Poblacion, Balanga City, sinabi nitong bagama’t hinahanap-hanap niya ang mala-fiestang kasayahan kapag filing na ng certificate ng mga kandidato, ok na rin daw na, naganap ito nang simple at tahimik dahil nauunawaan naman daw niya na ngayon ay panahon ng pandemya.

Samantala, iisa ang sinabi ng mga kandidato na mahigpit umano ang COMELEC sa ngayon sa lahat ng mga impormasyong inilalagay nila sa kanilang COC kung saan may napabalitang isang kandidato ang na disqualified.

The post Filing ng COC, simple at matahimik appeared first on 1Bataan.

Previous NCFEET, IFAMAM, NASYM-3D conference, a success

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.