Flood control structures sa Dinalupihan, natapos na

Philippine Standard Time:

Flood control structures sa Dinalupihan, natapos na

Natapos na ng DPWH ang ipinagawang mga istruktura na pangkontrol ng baha sa mga daluyan ng tubig ng Dinalupihan.

Ayon sa ulat ng DPWH, ang tatlong flood control structures ay sa kahabaan ng Pentor-Balsik, Pagalanggang, at Pita Rivers sa Dinalupihan, Bataan.

Titiyakin ng mga naturang proyekto ang proteksyon ng mga residente laban sa pag-apaw ng tubig sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Ayon sa ulat ng PIA Central Luzon, sinabi mo DPWH Bataan 1st District Engineer Erlindo Flores Jr. na ang 389-linear meter flood mitigation structure sa kahabaan ng Pentor-Balsik River ay ginawa sa bahagi ng Daang Bago ng daluyan ng tubig Kasama sa P49-milyong proyekto ang pagtatayo ng 5.66-meter high, 0.2-meter-thick concrete slope protection sa steel sheet pile at channel excavation.

Bukod dito, ang 209.44-linear meter flood control structure sa tabi ng Pagalanggang River ay magpoprotekta sa mga residente ng barangay Old San Jose mula sa erosyon at flash flood.

 

“Ginawa namin itong 6.17 metrong mataas na istraktura sa kanang bahagi ng daluyan ng tubig upang protektahan ang mga komunidad at mga lupang pang-agrikultura mula sa pagbaha gayundin upang maiwasan ang pagguho ng mga pampang nito,” pagbabahagi ni D.E. Flores.

Ang P24.49-milyong proyekto ay mapoprotektahan din ang katabing lokal na kalsada mula sa pagkasira ng tubig-baha.

“Ang tubig-baha ay maaring magwasak o maghugas ng mga bahagi ng kalsada at maaari pang bawasan ang kanilang kapasidad sa pagdadala ng karga, kaya ang istrukturang ito ay pare-parehong mahalaga sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga motorista,” paliwanag ni Flores.

At panghuli, natapos na rin ng DPWH Bataan 1st District Engineering Office ang isang 257.70-linear meter na istraktura sa kaliwa at kanang pampang ng Pita River.

Kasama sa P24.49-milyong proyekto ang paggawa ng isang konkretong slope protection na nagsisilbing hadlang laban sa pag-apaw ng tubig at posibleng pagguho.

The post Flood control structures sa Dinalupihan, natapos na appeared first on 1Bataan.

Previous Sen. Bong Go lauds the Garcias

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.