Susunod na pag-uukulan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ang pag-develop ng solar power system.
Ito ang sinabi ni Gobernador Albert Garcia sa paglulunsad ng “No-contact apprehension program” noong Huwebes, ika-4 ng Nobyembre sa 1Bataan Command Center sa Orani.
Sinabi ni Garcia na malaki ang matitipid sa konsumo sa kuryente kung solar power ang gagamitin. “Bukod sa matipid, malinis, at walang pulusyon ang solar power,” paliwanag pa ng gobernador.
Sinabi pa nito na hindi dapat matakot at sumubok sa mga makabagong teknolohiya ang mga tao. Kung ito ay maisasakatuparan, “halos magiging independent na tayo sa power retailer.”
Tungkol sa no-contact apprehension program sinabi ni Garcia na layunin nito na makapagligtas nang buhay sanhi ng mga aksidente sa Roman Superhighway.
The post ‘Huwag tayong matakot sa bagong teknolohiya’ appeared first on 1Bataan.