Ilang mahahalagang pahayag ang ibinigay ni Bataan PNP Provincial Director Joel Tampis sa katatapos na Bataan PPO Press briefings, para sa ating mga mamayan kaugnay ng pag-obserba sa Undas.
Simula sa ika-28 ng Oktubre hanggang ika-3 ng Nobyembere ay sarado ang lahat ng 58 sementeryo sa buong lalawigan maging ito ay pangpubliko o pribado.
Ayon kay PD Tampis, ang nasabing pagsasara ng mga sementeryo ay hindi upang pigilan ang sinuman para madalaw ang mga namayapa nilang mahal sa buhay kundi para sa kaligtasan nating lahat dahil ang COVID-19 ay walang pinipili kung kaya’t iniiwasan natin ang mga maramihang pagtitipun-tipon.
Dagdag pa ni PD Tampis, bagama’t isasara ang mga sementeryo sa mga nasabing petsa, ang bawat bayan ay nagbigay naman ng iba’t ibang schedule para sa kanilang mga mamamayan na madalaw ang puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Sinabi din ni PD Tampis na ngayon pa lang ay nagtagubilin na siya sa bawat stasyon na magbantay na sa mga sementeryo upang siguruhin ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng mga dadalaw gayundin ng mga motorista, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.
The post Mahalagang paalala sa pag-obserba ng Undas appeared first on 1Bataan.