“Mas mahalaga ang buhay ng ating mga mamamayan”

Philippine Standard Time:

“Mas mahalaga ang buhay ng ating mga mamamayan”

Ito ang nilinaw ni Gob. Abet Garcia sa paglulunsad kahapon, ika-4 ng Nobyembre ng No-Contact Apprehension Program (NCAP). Bagama’t kikita umano ang lalawigan sa ilalim ng 60/40 profit sharing, ito umano ay sekondarya lamang sa tunay na layunin ng programa dahil higit na mahalaga ang kaligtasan ng mga mamamayan, habol niya dito na maiwasan ang mga aksidente, maiwasan ang mga masasaktan at maiwasan ang mawawalang-buhay.

Sinabi pa ni Gob. Abet na bumababa na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 kung kaya’t malamang na dadami ang mga papasok na mga sasakyan, mga cargo trucks, van gayundin mga turista sa lalawigan at sa dami umano ng mga sasakyang ito, tiyak na tataas din ang porsyento ng mga aksidente.

Inilahad ni Gob. Garcia na marami na ring naging pagbabago ang ginawa sa expressway gaya ng inilawan na ang ilang bahagi nito, nagkabit 100 CCTV cameras at ngayon nga ay ang no-contact apprehension program kung saan hindi na pahihintuin ang mga sasakyang lalabag sa mga batas trapiko, sa halip ay ipadadala na lamang ang notice of violation at penalty sa may-ari ng sasakyan.

Ang mahalaga pa sa sistemang ito, ayon sa gobernador, walang ginastos ang ating Pamahalaan dahil ito ay sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) scheme.
Dagdag pa ni Gob. Abet na ang lahat ng mga nangyayaring aksidente sa expressway ay nakarecord kaya’t pwedeng pag aralan kung ano ang dahilan ng aksidente at kung papaano ito pwedeng iwasan. Ito ay isa sa ating mga paghahanda para sa pagdating ng panahon na matapos na ang Bataan- Cavite bridge, lalong dadami ang sasakyan, na kung hindi mapagpaplanuhan ay baka umano grabe pa sa EDSA ang mangyayari sa ating expressway.

Ibinalita rin ni Gob. Abet na nakakuha ng pondo si Cong Joet para pagandahin pa ang Roman Superhighway at magkaroon ng feasibility study sa expressway dahil eventually baka magkaroon na tayo ng mass transport, ng railway system from Subic-Clark to Bataan hanggang Mariveles.
Pinag-aaralan din ng lalawigan ang mga makabagong teknolohiya gaya ng mga sasakyan na pinatatakbo ng elektrisidad na makatutulong nang malaki sa ating lahat.

The post “Mas mahalaga ang buhay ng ating mga mamamayan” appeared first on 1Bataan.

Previous Enforcement of NCAP to start immediately

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.