Mahigit sa 30 miyembro ng iba’t-ibang kooperatiba sa Lungsod ng Balanga ang dumayo pa sa bulubunduking barangay ng Cabog-cabog upang makapagtanim ng kasoy.
Ayon kay Litz del Rosario, pinuno ng City Cooperative Development Office, kasoy ang ibinigay ng Department of Environment and Natural Resources dahil madali umano itong buhayin.
Kasama rin sa grupo na nagtanim si May Hizon, chairperson ng Balanga City Cooperative Development Council at manager ng CEMBA.
Ayon pa kay Ms. Del Rosario, marami pa sana ang ibig sumama sa naturang tree planting event subalit naging biglaan ang plano dahil na rin sa pabago-bagong lagay ng panahon. Kasama rin umano sa tree planting activity si Cabog-cabog Punong Barangay Efren Zarraga.
Ang tree planting ay isa sa mga aktibidad bilang paggunita sa “Cooperative Month” ngayong Oktubre.
The post Mga koop members nagtanim ng kasoy appeared first on 1Bataan.