Inaasahang makatatanggap ng tulong-pinansyal mula sa pamahalaang-bayan ng Orani ang mga may mababang kita sa pamamagitan ng PayMaya online service.
Sinabi kamakailan ni Orani Mayor Efren Pascual, Jr. na sa ngayon ay isinasagawa na ang pagtatala ng mga pamilyang lubos na nangangailangan ng tulong-pinansiyal sa Orani.
Ayon pay kay Pascual, ang programang ito ay nakapailalim sa “Basta Taga-Orani, Maganda ang Ugali” na layong maiwasan na ang matagal na proseso sa paghingi ng tulong sa munisipyo.
“Ipakita mo lang ang hospital bill mo at ID na ikaw nga ang nangangailangan ng tulong, tapos na, wala nang maraming proseso,” paliwanag ng mayor.
Subalit sinabi nito na titiyakin ng munisipyo na iyon lang pamilya na talagang nangangailangan ng tulong ang makikinabang sa programa.
Ngayon pa lamang ay isinasaayos na ang profiling ng mga low-income families sa Orani.
The post Mga low-income earner sa Orani makakaasa ng tulong appeared first on 1Bataan.