Naniniwala sina Mayor AJ Concepcion at AFAB Administrator Enmanuel Pineda na higit ang magiging pagtutulungan nila kung may malinaw silang vision para sa kaayusan at kaunlaran ng pamumuhay ng bawat Mariveleño.
Kung kaya’t minabuti nila na magkaroon ng isang Memorandum of Agreement (MOA) kung saan nakapaloob ang pagbuo ng isang steering committee, para siyang mag-initiate ng mabungang dayalogo ng samahan at magkaroon ng iisang pananaw sa mga usapin hinggil sa trabaho, ekonomiya, turismo, kapayapaan at seguridad, kapakanang panlipunan at iba pa na sakop ng dalawang ahensya.
Pinangunahan nina Mayor AJ Concepcion at Vice Mayor Lito Rubia ang paglagda sa panig ng LGU samantalang sina AFAB Administrator Emmanuel Pineda at Deputy Administrator Lourdes Herrera para sa AFAB na sinaksihan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Mariveles, AFAB Head Executive Asst. Mayette Quicho, Corporate Planning Dept Manager Cristina F Rodrigo at Marketing Chief Corporate Affairs Dept Kelvin Rae Rodriguez.
Ang dalawang pinuno ay naniniwala na ang MOA ay magsisilbing matibay na pundasyon, hindi lamang ng malakas na samahan kundi ito rin ang magbibigay daan sa higit pang pagtataguyod sa kaunlaran ng lahat ng pamilyang Mariveleños.
The post MOA signing sa pagitan ng AFAB at Mariveles LGU appeared first on 1Bataan.