Hindi nagpabaya ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Bagac sa pamumuno ni Mayor Ramil del Rosario, sa pagtulong sa 28 pamilya na nawasak ang mga tahanan sa kasagsagan ng bagyong “Maring”.
Ayon sa mga residente at biktima ng bagyo sa Brgy. Pag-asa, hindi sila iniwan ng kanilang mga opisyal ng bayan kasama ang kapulisan, ang kura paroko na si Fr. Noel, mga opisyal ng barangay at iba pang volunteers upang masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilya.
Sa isang phone interview, sinabi ni Mayor del Rosario, ini-vacuate nila ang mga pamilya sa kasagsagan ng bagyo sa pinakamalapit na paaralan, binigyan ng pagkain at maayos na matutulugan upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Dagdag pa ng Punong-bayan kanila umanong pag uusapan sa Pamahalaang Bayan kung papaano nila matutulungan ang kanilang mga kababayan na muling maitayo ang kanilang mga nawasak bahay habang pansamantala silang nanunuluyan sa evacuation center.
The post Nasalanta ni “Maring”, agad narespondehan appeared first on 1Bataan.