Pormal nang isinagawa ngayong Miyerkoles ang blessing at groundbreaking ceremony ng kauna-unahang FAB Registered Enterprise sa labas ng Mariveles Freeport Area of Bataan.
Ito ay ang Dinalupihan Woodlands Economic and Freeport Zone sakop ng Brgy. Pinulot, Dinalupihan.
Pinangunahan ang seremonya nina Bataan Vice Governor Cris Garcia, Bataan 2nd District Congressman Joet Garcia, Dinalupihan Mayor Gila Garcia, AFAB Administrator Emmanuel Pineda at mga investors sa pangunguna ni Atty. Elmer Sy.
Sa ginanap na business presentation sa Bulwagan ng Dinalupihan ay tiniyak ni Mayor Gila Garcia sa panayam ng local media na aabot sa 100,000 bagong trabaho ang malilikha sa susunod na limang taon kapag natapos na ang mga pasilidad ng mga locators dito sa pangunguna ng SINOSUN Group of Companies at iba pang investors sa larangan ng financial services, housing, manufacturing, renewable energy, at modern agriculture.
Samantala, tinatayang nasa P200 million buwis ang kikitain ng LGU-Dinalupihan mula sa RPT o real property taxes mula sa mga locators ng naturang Freeport zone.
The post ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐๐ฝ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ช๐ผ๐ผ๐ฑ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ ๐๐ฐ๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐ฐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ญ๐ผ๐ป๐ฒ, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ! appeared first on 1Bataan.