10% discount sa mga produkto sa Diskwento Caravan 2023

Philippine Standard Time:

10% discount sa mga produkto sa Diskwento Caravan 2023

Muling nagsasagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Bataan ng taunang Diskwento Caravan, na ayon kay DTI- Bataan Officer in-Charge, Connie Sanico sa kanyang mensahe ay handog ng City Government of Balanga sa pamumuno ni City Mayor Francis Garcia at sa suporta din ni Gov. Joet Garcia ng Pamahalaang Lalawigan para bigyan ang mga mamamayan ng ” Presyong Panalo para sa mamimiling Bataeno”.

Ayon pa kay Sanico ng DTI na 52 exhibitors ang lumahok sa nasabing diskwento caravan na mga food at non-food products na lahat umano ay magbibigay ng 10% diskwento sa presyo ng mga produkto na bibilhin ng mga kababayan natin.

Samantala, sinabi naman ni Konsehala Jowee N. Zabala, na kumatawan kay Mayor Francis Garcia bilang chairperson sa Committee on Trade Commerce and Industry sa City Council na pagkakataon na ng ating mga kababayan na samantalahin ang diskwento caravan para ma-avail ang 10% discount sa lahat ng kanilang bibilhin.

Ang diskwento caravan ay tatagal ng 3-araw lamang, mula Nov, 15 hanggang 17kung saan napakaraming produkto ang pagpipilian gaya ng sapatos, damit, groceries, mga pandekorasyon sa bahay at mga Galing!Bataan products tulad ng tuyo, tinapa, bagoong, araro cookies, kasuy at marami pang iba.

The post 10% discount sa mga produkto sa Diskwento Caravan 2023 appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan solon proposes historic legislation

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.