10 Township projects sa Bataan

Philippine Standard Time:

10 Township projects sa Bataan

Ayon kay Cong Abet, bukod sa nakatirang 260 pamilya sa 1Bataan Village sa ngayon, ay nakahanda na rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, sa pangangasiwa ng tanggapan ni G. Chris Leonzon, na unti unti nang igawad sa iba pang mga pamilya ang tatlo (3) pang gusali doon, habang kinukumpleto ang mga pasilidad sa nasabing housing village na kung susumahin ay aabot sa 6,250 pamilya.

Ipinaliwanag ni Cong Abet na habang nasa posisyon pa sa DHSUD ang kababayan nating si Secretary Jerry Acuzar ay sisikapin umano nila na maabot ang target nilang 56K na township sa Bataan. Ayon pa kay Cong Abet Garcia pag sinabing township project ito ay hindi lamang mga bahay kundi kumpleto sa lahat ng mga pasilidad na kinakailangan ng mga taong maninirahan don, mga pasilidad na mga walking distance lamang sa kinalalagyan nila na madaling puntahan ng mga residente katulad ng ginagawa nila sa 1Bataan Village.

Sa ngayon ayon pa kay Cong Abet na on- going ang mga proyekto nating ito sa lungsod ng Balanga at mga bayan ng Mariveles, Hermosa, Orani at Limay at sisikapin umano nilang mga opisyal ng bayan na maabot pa ang ibang bayan at magtayo pa ng mas maraming township projects.The post 10 Township projects sa Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous ‚ÄúDance for a Cause‚ÄĚ ng Migrant Ministry

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon ‚Äď Fri: 8:00 am ‚Äď 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: