100 libong mag-aaral sa Bataan makikinabang sa Fiber to Home Project ng PGB

Philippine Standard Time:

100 libong mag-aaral sa Bataan makikinabang sa Fiber to Home Project ng PGB

Nasa 100,000 mag-aaral at 6,000 guro sa buong lalawigan ang magiging benepisyaryo ng inilunsad na Fiber to Home Project sa Bataan. Nitong nagdaang Lunes ay pinangunahan ni Bataan Gov. Joet Garcia ang paglulunsad nito sa Pagalanggang National High School sa bayan ng Dinalupihan, Bataan.

Katuwang sa inisyatibong ito ang Converge ICT, isang private company, kung saan 55 estudyante ng Senior High School ang inisyal na nabigyan ng libreng internet connection sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Garcia na layunin nito na mabigyan ng libreng access sa Learning Management System at iba pang mga website na aprubado ng Department of Education ang mga mag-aaral. Sa paglulunsad aniya ng proyektong ito ay unti-unti nang mabibigyan ng internet connection ang bawat tahanan ng mga mag-aaral sa lalawigan upang lalong makatulong sa kanilang pag-aaral.

Samantala, binigyang diin ni Converge Chief Executive Officer Dennis Anthony Uy ang kahalagahan ng information technology sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan sa panahon ng “digital age”. Nagpahayag din siya ng buong suporta sa Kapitolyo sa mga programa nito sa teknolohiya.

Nasa 500 mag-aaral sa Dinalupihan ang inaasahang mabibigyan ng libreng Fiber to Home Connection.

The post 100 libong mag-aaral sa Bataan makikinabang sa Fiber to Home Project ng PGB appeared first on 1Bataan.

Previous BM Estanislao admires Bataan health care facilities

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.