Isandaang sako ng bigas (25 kilo kada sako) ang ibinigay ng Bases Conversion and Dev’ment Authority (BCDA) sa pangunguna ni Engr Joshua Bingcang, President and CEO, kay Mayor Tong Santos bilang tulong sa bayan ng Dinalupihan.
Ayon kay Mayor Tong Santos ang tulong ay napapanahon para sa mga residente na higit na naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyong Crising at habagat.
Gayon na lamang ang pagpapasalamat ni Mayor Tong Santos sa pamunuan ng BCDA sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa kanilang bayan, lalo na sa panahon ng kalamidad.
The post 100 sako ng bigas, tulong ng BCDA sa Dinalupihan appeared first on 1Bataan.