Muling naging instrumento sa pagtulong ang Abucay Training and Livelihood Center nang magtapos ang isandaan at apat na Abukeño sa pagsasanay para sa pandesal breadmaking at hand sanitizer making.
Ang mga sumailalim sa nasabing pagsasanay ay mula sa mga samahan ng OFW (2), Abucay Cancer Society (10), alyansa ng mga kababaihang nagmamahal kay Ana (23), Kabalikat (21), samahan ng mga magsasaka ng Abucay (20) gayundin mula sa iba’t ibang NGO’s (28).
Mga tagapagsanay mula sa TESDA ang nagturo at inisponsor ni dating Mayora Ana Santiago, na ayon sa kanya, ganito ang mga programang nais niyang manatili sa bayan ng Abucay para mas marami pa ang matulungan na magkaroon ng hanapbuhay.
Samantala sa panayam sa mga nagsanay, sinabi nilang malaking bagay ang kanilang natutunan na agad nilang magagamit para sa kanilang pamilya. Hindi na nila kailangang bumili pa ng pandesal sa tindahan kundi sila na mismo ang gagawa nito, hanggang sa mapaunlad nila ang lasa ng pandesal para maging mabili kapag kanila itong ibinenta.
The post 104 nakatapos ng pandesal breadmaking appeared first on 1Bataan.