Ang Pamahalaang Bayan ng Pilar sa pamumuno ni Mayor Charlie Pizarro, katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 3, sa pangunguna ni Regional Director Wilfredo Cruz ay nagsagawa ng pagsasanay sa mga mangingisda na maging bantay-dagat nitong nakaraang Pebrero 28-29, 2024 sa nasabing bayan.
Labindalawang (12) mahuhusay mangingisda mula sa iba’t ibang mga barangay ang sumailalim sa pagsasanay para maitalaga bilang mga bantay-dagat o kaya naman ay sea patrol upang makatulong na mabantayan at protektahan ang mga katubigang lokal, ilog, lawa, at iba pang rekursong dagat laban sa mga ilegal na mga mangingisda, gayundin maaaring makatulong sa mga rescue operations na may superbisyon mula sa pamalaang lokal.
Ayon kay Mayor Pizarro, nagpapasalamat umano siya kay Director Wilfredo Cruz sa mahalagang tulong na ito, para mabantayan ng mga sarili nilang mga mangingisda ang gumagawa ng iligal na gawain sa kanilang hanay na nagpapababa ng kanilang kita gayundin pagkasira ng mga lamang-dagat at kalikasan.The post 12 mangingisda sumailalim sa training appeared first on 1Bataan.