Kasabay ng enrolment at pasukan ng mga mag-aaral ay tahimik namang nag-enrol ang 15 estudyanteng inmates sa proyektong “College Education Behind Bars”, isang extension program ng Bataan Peninsula State University (BPSU) na inisyatibo ni BPSU Pres. Ruby Santos- Matibag na sinimulan nila sa Marilao Municipal Jail sa Bulacan.
Ayon kay Pres. Ruby Matibag, nagsimula ang programang ito sa kanyang research sa Bataan Prov’l Jail na Health beyond bars na kanyang ipinresinta sa BJMP Regional at National offices na nagkaroon ng iba’t ibang activities hanggang sa pagkakaroon ng College Education Behind Bars na sinimulan sa Marilao Mun. Jail dahil sa co-author niya sa nasabing research si Jail Inps Cliff Richard Torres na interesado na simulan ang proyekto sa Marilao Mun Jail.
Ang mga estudyanteng inmates na kabilang sa marginalzed group na mga BPSU Scholars ay sumailalim din sa admission policy ng paaralan sa pagpasok nila sa kursong BS Midwifery, kumuha ng ID at naka-uniform sa oras ng klase online. Once or twice a month ay may face-to- face classes sa mga guro ng BPSU na nagtuturo nang libre o ibinibigay ng pro bono ang kanilang serbisyo.
Ang klase na nagsimula nong September 2023 na inaasahang matatapos sa loob ng apat na taon. Sakali man na ang ilan sa kanila ay umabot lamang ng isa o dalawang taon, pagkakalooban sila ng certificates na pwede nilang magamit sa pagpasok nila sa trabaho.
Isang magulang ang nagpahayag na kung kailan pa raw nakulong ang anak niya ay doon pa ito nakapag-aral sa kolehiyo.”
The post 15 bilanggo, makapagtatapos ng kursong BS Midwifery? appeared first on 1Bataan.