15 kabataan, nagbenepisyo sa programa ng DTI

Philippine Standard Time:

15 kabataan, nagbenepisyo sa programa ng DTI

Labinlimang kabataan ang nabiyayaan ng mga livelihood kits para sa bread and pastries na nagkakahalaga ng 15k bawat isa mula sa Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng kanilang programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa.

Todo suporta naman ang ipinakita nina BPSU Vice Pres. Hermogenes Paguia at Dr. Bernadeth Gabor sa simpleng programa na idinaos sa kanilang Main Campus na dinaluhan ng buong pwersa ng DTI sa pamumuno ni Provincial Director Nelin Cabahug.

Sa mensahe ni PD Cabahug sinabi nitong sumailalim muna ang nasabing mga kabataan sa kanilang Youth Entrepreneurship assistance nang sa gayun ay lubos na maunawaan ng mga kabataan ang pagnenegosyo.

Ayon pa kay PD Cabahug, mahalagang sa murang gulang pa lamang ay matutunan na ng mga kabataan ang paghahanapbuhay upang maging responsable sila at makatulong sa kanilang pamilya.

Ayon kay Angel R. Delgado, isa sa mga benepisyaryo, mula sa Sitio Bani, Cataning, Balanga City na may-ari ng K-Jar Pastries, kasama sa kanilang pledge of commitment ang dumalo sa mga entrepreneurship training ng lokal na pamahalaan, palaguin ang natanggap na tulong pinansyal at magsumiite ng update sa kanilang performance sa opisina ng DTI.

The post 15 kabataan, nagbenepisyo sa programa ng DTI appeared first on 1Bataan.

Previous No let up on Manila Bay rehab -DENR Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.