150 Estudyante sa Samal nagbenepisyo sa SPES

Philippine Standard Time:

150 Estudyante sa Samal nagbenepisyo sa SPES

Nakatanggap ng tig P3, 937. 70 ang 150 estudyante ng bayan ng Samal na sumailalim sa Special Program for Employment of Students o SPES.

Ayon kay Mayor Aida Macalinao, dahil sa pandemya sa halip na pumasok araw-araw ang mga estudyante sa iba’t ibang tanggapan sa munisipyo ay ipinanukala na lamang niya na magtanim at magkaroon ng gulayan sa kanilang mga bakuran ang mga estudyante para na rin sa kapakinabangan ng bawat pamilya sa aanihin nitong mga gulay.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga mag aaral na makadalo sa trainings at seminar hinggil sa dagdag na kaalaman sa paghahalaman gayundin sa kanilang buhay-kabataan.

Nagpasalamat si Mayor Macalinao kay Ms. Portia Tuazon, hepe ng PESO-Samal sa maayos na paggabay at suporta sa mga kabataan.

The post 150 Estudyante sa Samal nagbenepisyo sa SPES appeared first on 1Bataan.

Previous Mayor Francis muling namahagi ng laptop sa mga guro

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.