15K na ayuda, malaking tulong sa mga rice retailers

Philippine Standard Time:

15K na ayuda, malaking tulong sa mga rice retailers

Halos naiiyak si Aling Eloisa, at iba pang rice retailers sa bayan ng Dinalupihan na tumanggap ng tig 15K na ayuda mula sa Pamahalaang Nasyonal, na ipinamagagi ng mga staff ng DSWD sa mga rehistradong mga rice retailers sa buong lalawigan.

Sinabi naman ni DTI-Bataan Provincial Director Eileen Ocampo na umabot sa 500 rice retailers mula sa 11 bayan at isang lungsod sa buong lalawigan ang tumanggap ng naturang ayuda, na tinipon nila sa Vista Mall nitong nakaraang Huwebes, kung saan mga empleyado ng DSWD ang namahagi ng ayuda. Ayon pa kay PD Ocampo, sila mismong mga taga DTI-Bataan ang nag-monitor sa mga rice retailers sa mga public markets sa mga bayan katulong ang mga market administrators, gayundin sa kanilang mga negosyo centers kasama si DSWD Provincial Coordinator Ricky Gacayan para matiyak na ang tatanggap ng ayuda ay talagang mga rehistrado at aktibong nagtitinda ng bigas.

Ipinaliwanag din ni PD Ocampo na nagkaroon ng ayuda dahil sa implementasyon ng Executive Order ( EO) No. 39 na nagpapataw ng price cap sa halagang P41/per kilo ng regular milled rice at P45/per kilo ng well-milled rice, dahil mahal umano ang pagkabili ng mga rice retailers sa bawat sako ng bigas.|The post 15K na ayuda, malaking tulong sa mga rice retailers appeared first on 1Bataan.

Previous NGCP reminds the public of Anti- Obstruction of Power Lines Act

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.