Sa mismong programa na Parangal sa mga Beterano, nong ika-11 ng Abril, iginawad ang halagang labinlimang libong piso (15k) sa mga nabubuhay pang beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ito ay sa bisa ng ipinasang Provincial Resolution No. 3, “An Ordinance Declaring Living Bataeño World War ll Veterans as Living Treasures and Symbol of Courage, Bravery and Sacrifice and Institutionalizing the benefits accorded to them by the Provincial Government of Bataan” ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan na akda ni Board Member Atty Jomar Gaza at inisponsor naman ni Bokal Margarita Roque, sa liderato ni Vice Gov. Cris Garcia.
Pinangunahan ni Gov. Joet Garcia ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga beterano kasama sina Vice Gov. Cris Garcia, Pusong Pinoy Party List Representative Jett Nisay, Cong. Abet Garcia ng Ikalawang Distrito at Congresswoman Gila Garcia ng Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Bataan.
Lubhang napasaya ang mga beterano sa naipagkaloob na tulong, kasama na rin ang rice subsidy.
Sa kanyang mensahe sa nasabing programa, sinabi ni Gov. Joet na nais nating mga Bataeño na matularan at maisalin sa bagong henerasyon ang mga aral at kahanga-hangang kagitingan na kanilang ipinamalas sa pagtatanghol para sa kasarinlan ng ating bayan.
The post 15k para sa Bataeñong beterano appeared first on 1Bataan.