1Bataan Village, isang proof of concept

Philippine Standard Time:

1Bataan Village, isang proof of concept

Sa katatapos na pagbabasbas at inagurasyon ng basketball court at community market sa 1Bataan Village sa Brgy. Daan Pare, bayan ng Orion, sinabi ni Cong Abet na pinag-aaralan na ng kanyang team na hindi na lamang basta istraktura ang ipinaplano sa mga proyekto kundi kinakailangan din kung papaano magiging climate at disaster resilient ang ating mga imprastraktura sa ngayon.

Ibinigay na halimbawa ni Cong. Abet ang katatapos basbasang basketball court na ayon sa kanya ay hindi ordinaryong bubong ang ginamit, kundi ito ay “stone-coated” or onduline na bubong para hindi masyadong mainit. Batay sa kanilang resiliency design, sinabi pa ni Cong. Abet na hindi lamang kuryente, tubig, internet at iba pa ang matitipid, dahil kapag resilient na ang ating mga proyekto, it can be self-sustaining, pwedeng mag stand alone na kaya na nitong ma-withstand ang climate change o disaster. At kapag nagawa na ito sa ating mga imprastraktura, may proof of concept na tayo, na lahat ng project ay ganito na ang ating gagawin palawak nang palawak.

Samantala ibinalita rin ni Cong. Abet na marami pa umanong mga priority projects sa 1Bataan Village tulad ng transport terminal, water system, fisherman’s wharf na pwede na ang consignacion o bagsakan ng mga isda kaya kailangan na rin ang cold storage gayundin ang police at fire stations.
Dumalo din sa nasabing gawain sina Gov. Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Cong. Jette Nisay, DHSUD officials gayundin sina Mayor Tonypep Raymundo at SB members ng Orion.

The post 1Bataan Village, isang proof of concept appeared first on 1Bataan.

Previous More firms join ‘Diskwento Caravan’

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: