1Bataan Village itatayo sa Mariveles

Philippine Standard Time:

1Bataan Village itatayo sa Mariveles

Upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mga kababayan na wala pang mga sariling bahay, ay tinalakay nina Mayor AJ Concepcion sa isang pulong ang pagtatayo ng 1Bataan Village sa Barangay Alas-asin sa pangunguna na rin ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na kinatawan ni G. Jonathan Francisco, na siyang namamagitan sa maayos na usapan sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng Crame Development Corporation na siyang mamamahala sa pagtatayo ng mga pabahay Kasama rin sa pulong sina Municipal Consultant on Housing and Land Use na si dating konsehal, Engr Harry Golocan, Ms. Grace Bautista ng Crame Development Corporation at kinatawan ng Tierra de Ferrand Developer para sa pinal na pag uusap.

Sinabi pa ni Mayor AJ Concepcion na nais niyang makatulong sa vision ni Gov. Joet Garcia na màgkaroon ng mga pabahay sa lalawigan, upang matupad ang pangarap ng kanyang mga kababayang Mariveleños na magkaroon ng mga sariling bahay. Ang mga ito ay hindi lamang magbibigay ng dignidad sa bawat pamilya kundi mapapabuti pa nito ang kalagayan nila sa buhay, daan para lalo pa silang magsikap na mapaunlad ang kanilang mga pamumuhay.

The post 1Bataan Village itatayo sa Mariveles appeared first on 1Bataan.

Previous Barangay leaders play vital role in waste segregation

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.