Ito ang ibinalita ni Gov. Joet Garcia sa mga nasunugan, matapos nilang mabigyan ni Mayor Bondyong Pascual ng ayudang tig 100 libong piso kada pamilyang lubusang natupok ng sunog ang mga bahay.
Ayon kay Gov. Garcia, inilahad sa kanila ni Sec. Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na isang lehitimong taga Bataan, na target ng kanilang kagawaran na makapagpatayo ng 1Milyong pabahay kada taon.
Ipinaliwanag din ni Gov. Joet na sa target na ito ng DHSUD, isa ang lalawigan ng Bataan na binigyang prayoridad, kaya naman inaasahan ang mga LGU o bawat Pamahalaang Bayan tulad ng bayan ng Orani na makapaghanda na lupa na may sukat na 20 ektarya para pagtayuan ng mga high rise na housing project.
Samantala, natutuwang sinabi ni Mayor Bondyong Pascual na napakalaking bagay umano na mapagtulungan ng LGU ng Orani, Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at DHSUD ang pagkakaroon ng pabahay sa Orani para sa kanilang mga mahihirap na mamamayan lalo na umano ang mga pamilyang nasunugan.
Ayon pa kay Mayor Bondyong, sa ngayon, ay may lupa na ang Pamahalaang Bayan ng Orani na nasa 10hanggang 20 ektarya para sa housing project sa Brgy. Parang-parang o sa Kaparangan. Ang kagandahan pa umano nito ay may bagong daan dito na konektado sa gagawing napakalaking proyekto na World-class Orani Fishport.
The post 1Milyong pabahay kada taon appeared first on 1Bataan.