Sa mensahe ni Department. of Human Settlement and Urban Development (DHSUD Secretary Eduardo del Rosario, aabot umano sa 2,936 ang ipatatayong mga housing units sa 1Bataan Village na ang ibig lang sabihin ay 2,936 ang pamilyang magbebenipisyo dito na kung kukwentahin ay aabot sa 12,000 indibidwal ang makikinabang, sa napakagandang proyekto ni Gob. Abet Garcia.
Ibinahagi rin ni Secretary del Rosario ang tatlong housing principles na kanila umanong inoobserbahan at direksyon ng mga ginagawa nila ngayon tulad ng, (1) consider that shelter is a right of every Filipino family, (2) that DHSUD) is not building housing units but rather building a community, na hindi lamang housing units kundi marami pa umanong mga pasilidad ang itatayo dito gaya ng livelihood centers, eskwelahan at iba pa na bubuo sa isang komunidad. At ang pangatlo umano ay (3) they are not but building sub-standard housing units but are observing the National Building.Code, na makaaasa umano ang lahat na matibay, disente at affordable, quality housing units ang gagawin nila.
Binigyang halaga ni Secretary del Rosario ang full support nina Gov. Abet Garcia at Mayor Tonypep Raymundo sa nasabing proyekto na ayon sa kanya kapag hindi umano gumalaw ang LGU, hindi umano magagawa ng National Government ang ganito kalaking proyekto.
The post 2, 936 na pamilya, makikinabang sa 1Bataan Village appeared first on 1Bataan.