Malaking tulong para sa aking mga kababayang Mariveleños ang magkaroon ng panimulang negosyo at pangkabuhayan ayon kay Mayor AJ Concepcion ng Mariveles, matapos ipamahagi ang 20 Nego-Kart Project ng Department of Labor and Employment DOLE) sa pakikipagtulungan na rin ng kanilang PESO Officer Lea Pazcoguin.
Nagpasalamat din si Mayor AJ Concepcion sa tulong na ipinagkaloob ni Sen. JV Ejercito, G. Meck Bautista at Faiz de Leon, DOLE Bataan at PESO sa nasabing proyekto. Personal din niyang inatasan sina Exec. Sec. Randall Butch Concepcion, Mun. Administrator Tito Catipon, Konsehal Omar Cornejo at Konsehal Vonnel Isip na asikasuhin ang mga kagamitan gayundin iba pang pangangailangan ng mga benipisaryo tulad ng business permit at iba pa, sa kanilang sisimulang assisted livelhood project na mga street food, gaya ng french fries, hotdog at iba pa.
Ikinatuwa at nagpasalamat naman ng 20 ambulant vendors ang tulong na ipinagkaloob sa kanila ng LGU, DOLE at Office ni Sen. JV Ejercito. Ayon pa sa kanila, makapagsisimula na sila ng kanilang negosyong pangkabuhayan na hindi nangungutang ng puhunan
The post 20 Mariveleños benipisaryo ng mga DOLE nego-kart appeared first on 1Bataan.