22 farmer-cooperatives nabigyan ng mga makinarya

Philippine Standard Time:

22 farmer-cooperatives nabigyan ng mga makinarya

Dalawampu’t dalawang (22) farmer-cooperatives ang naging benepisyaryo ng mga agricultural machineries mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) mechanization program ng Department of Agriculture na ginanap sa multi- purpose covered court ng Brgy.Balut, bayan ng Orani nitong nagdaang Miyerkules.

Ayon sa kinatawan ng PhilMech, ito ang ikatlong batch ng pamamahagi nila ng mga makinarya sa lalawigan, una ay sa bayan ng Hermosa, pangalawa sa bayan ng Pilar. Ang mga ipinamamahagi nilang mga makinarya ay mga bago at de-kalidad kung kaya’t hiling nila sa mga magsasaka na alagaan ito para tumagal nang mahigit sampung taon ang serbisyo nito sa kanila.

Ibinahagi ni Gob. Abet Garcia sa kanyang mensahe na bukod sa magiging episyente ang ating mga magsasaka gamit ang mga makabagong makinaryang ito, layunin din umano nito na magkaroon sila ng maraming ani, bumaba ang kanilang gastos at tumaas ang kanilang kita para umangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kailangan din umano na magkaroon ng service center, para sa mga makinaryang ito nang sa ganon kapag nasira ang makina ay agad na may mapupuntahan ang ating mga magsasaka para ang mga ito ay makumpuni kaagad.

Sinabi din ni Gob. Abet na ang Pamahalaang Lalawigan ay magtatayo ng Post-harvest facilities gaya ng rice mill at mechanical dryer sa loob ng 1Bataan Command Center, upang maiwasan na ng mga magsasaka ang pagbibilad ng palay sa mga kalsada na lubhang mapanganib.

Samantala ibinalita naman ni Cong. Geraldine Roman ang kanyang mga panukalang batas tulad ng: tunay na reporma sa agraryo, pagtatatag ng tunay na kooperatiba para sa mga support services, ang patuloy na pag i-imbestiga nila sa kongreso kung bakit napakataas ng presyo ng pestisidyo, pagtatatag ng NFA ng mga drying facilities upang hindi na umano idinadahilan ang pagmo moist ng palay na dahilan sa pagbaba ng presyo nito, pagtatatag ng Bataan Rice Development Center na layuning makagawa pa ng ibang produkto mula sa bigas tulad ng rice wine, mai-cluster ang mga kooperatiba para magkaroon ng pederasyon na may equal sharing ang lahat ng farmers cooperatives sa mga benepisyo mula sa pamahalaang nasyonal.
Nagbigay ng kanyang welcome remarks si Mayor Bondyong Pascual bilang host municipality samantalang video recorded naman ang mga mensahe nina Secretary William Dar at Senator Cynthia Villar.

The post 22 farmer-cooperatives nabigyan ng mga makinarya appeared first on 1Bataan.

Previous Teenage pregnancy prevention in time of pandemic

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.