24-hour contact tracing, sa FAB

Philippine Standard Time:

24-hour contact tracing, sa FAB

Bago pa man magtapos ang taon ay siniguro na nina AFAB Administrator Emmanuel Pineda at G. Pol Salipantan na handa ang AFAB sa anumang sitwasyon, sakaling biglang dumami ang mga kaso ng COVID -19 matapos ang pangdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.

At dahil bigla ngang tumaas ang bilang ng mga nagpopositibo sa buong lalawigan, ang Freeport Area of Bataan (FAB) health unit ay naging handa sa pagsasagawa ng 24-hr contract tracing gayundin sa pamamahala sa mga kompirmadong tinamaan ng virus.

Ang 24-hour contact tracing ay isinasagawa sa tulong ng kanilang apat na contact tracers, at nakaantabay din ang kanilang registered accredited ambulance team sa pagsasagawa ng antigen test at collection ng mga samples ng RT-PCR test sa iba’t ibang enterprise. Patuloy din ang paggabay ng MESU (Municipal Epidemiology and Surveillance Unit) at ng PHO (Provincial Health Office).

Sa pangunguna ni AFAB Health Consultant, Dr. Noel Bernardo, maagap at maliwanag na nabibigyan ng direksyon ang mga hakbang ng AFAB para sa proteksyon ng lahat laban sa banta ng COVID-19.

The post 24-hour contact tracing, sa FAB appeared first on 1Bataan.

Previous It’s build, build, build in Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.