Mangangailangan ng 300 manggagawa ang Cerberus Management Capital at Agila Naval Inc., bagong kumpanya na gumagawa ng barko sa Subic Bay Freeport.
Ito ay dating pinangangasiwaan ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines na nagsara bago pa man dumating ang pandemya na dala ng COVID-19 dahil sa umano’y pagkalugi.
Sa isang pahayag ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority, magkakaroon umano ng pakikipagtulungan ang SBMA sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagsasanay ng mga manggagawa ng Cerberus.
Noong magsara ang Hanjin mahigit sa 3,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho karamihan sa kanila ay skilled at construction workers mula sa Zambales, Bataan, at iba pang lalawigan sa Gitnang Luzon.
The post 300 manggagawa kailangan sa SBMA appeared first on 1Bataan.