Kahapon ika-19 ng Nobyembre, 32 magsasakang kaanib ng San Simon Farmers Association ang nakapagtapos sa Climate-Resilient Farm Business School – Farmer’s Field School (CRFBS-FFS), sa Barangay San Simon, Dinalupihan.
Ang CRFBS-FFS ay isang sistemang pang-edukasyon na nilikha upang tulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng karagdagang kaalaman upang mas mapabuti ang produksyon ng pananim, kasanayan sa pamamahala ng negosyo sa bukid, at kamalayan sa mga panganib na dulot ng pabagu-bagong panahon.
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa buong suporta at pagtutulungan nina Governor Joet Garcia, Congresswoman Gila Garcia, Mayor Tong Santos, DA-RFO III, OPA Bataan sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Engr. Johanna R. Dizon at ng MAO Dinalupihan.
Ilan sa mga dumalo sa programa sa pagtatapos sina Konsehal Zaldy Torno, PGB Consultant Guding Ferrer, DA-RFO III Michael Salmos, Dinalupihan Municipal Agriculturist Arlene Javier, OPA Darwin Gonzales at OPA Krisha Garcia.
The post 32 magsasaka, nakapagtapos sa Farmer’s Field School appeared first on 1Bataan.