382 special children pinasaya ni Cong. Gila

Philippine Standard Time:

382 special children pinasaya ni Cong. Gila

Naging mas makahulugan ang kaarawan ni Cong. Gila Garcia nang isama niya sa pagdiriwang ang mga special children nitong nakaraang Sabado.

Ayon kay Cong. Gila malapit sa puso niya ang mga special children. Sa nasabing pagdiriwang, nagkaroon ng simpleng programa kung saan ay nagsayaw ang mga bata, may palaro, papremyo at ang paborito nilang pagkain- jollibee, ice cream, cake, at give aways na mga cookies. Samantalang ang mga magulang nila ay tumanggap ng tig-5k financial assistance para makatulong sa therapy, pag aaral at kalusugan ng mga nasabing special children.

Ipinahayag ni Cong Gila na sa taong kasalukuyan ay nais na niyang masimulan ang pagtatayo ng kauna-unahang Intensive Learners Resource Center (ILRC) para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Nais niyang sa bawat bayan sa kanyang distrito ay magkaroon ng ILRC para magkaroon ng akmang pasilidad para sa mga learners na may special needs.

Kasabay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay ang pagpapasinaya sa 5 proyekto sa mga barangay ng Tubo-tubo na isang health center, Covered court sa Pita, Covered Court sa San Ramon Elem School, bagong barangay hall Layac at Daang bago. Ang mga imprastrakturang ito ayon pa kay Cong Gila ay para mapalakas pa ang mga serbisyong pambarangay sa kanilang mga kabarangay.

Samantala, bukod sa pagbati sa kanyang kaarawan, gayon na lamang ang pasasalamat ni Mayor Tong Santos kay Cong Gila sa patuloy na suporta nito sa bayan ng Dinalupihan. Dumalo rin si Cong. Jette Nisay ng Pusong Pinoy Partylist sa nasabing pagdiriwang.

The post 382 special children pinasaya ni Cong. Gila appeared first on 1Bataan.

Previous Improving Farmers’ Lives: DPWH completes FMRs in Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.