Isang simpleng trick or treat ang pinangunahan ni Atty. Adorable “Ann” Inton sa mismong munisipyo, suot ang witch costume habang nagbibigay ng kendi sa mga bata na naka Halloween costume din kasama ang kanilang mga magulang.
Matapos iyon ay tumuloy na si Mayora Inton sa pay out ng mga Iskolar ng Hermosa sa covered court na sa ngayon ay umabot na sa 397 na mga estudyanteng nasa grades 11 at 12. Mahalaga ang mga iniwang mensahe ni Mayora Inton sa mga mag aaral, na ang ibinibigay umanong pinansyal na tulong sa kanila ay galing sa pawis na pinaghirapan ng kanilang mga kababayan na nagtatrabaho para makapagbayad ng buwis na ibinibigay na tulong sa kanila ng LGU. Kung kaya’t hinikayat niya ang mga kabataang estudyante na huwag na huwag sasayangin ang mga biyaya mula sa mga taong naghirap para lamang sila ay mabiyayaan. Ayon pa sa kanya, ” kung ikaw ay estudyanteng Hermoseño, hindi mo sasayangin ang pera ng mga taong nagta trabaho para lamang maipag patuloy mo ang iyong pag aaral.”
The post 397 Iskolar ng Hermosa, tumanggap ng tulong pinansyal appeared first on 1Bataan.