Umabot sa P5.7M ang donasyon ng Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) para sa programa ni Gov. Joet Garcia na Bataan Healthy School Setting para sa dalawang paaralan, sa Brgy. Baseco at Brgy. Alas-asin sa bayan ng Mariveles.
Sa ginanap na kick off ceremony sinabi ni Gov. Joet Garcia nakasaad ito sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Bataan Baseco Joint Venture Inc bilang donor sa pangunguna ng Executive Vice Pres. at COO na si Edgardo “Edgie” Ruiz; kasama rin sa lumagda sa MOA sina Mayor AJ Concepcion, Schools Division Supt. Carolina Violeta, School, Principal Susan R. Cruz, Engr Emerson Bautista, kinatawan ni Cong Jette Nisay, Vice Gov Cris Garcia at mga punong barangay.
Sinabi rin ni Gov. Joet na ang implementasyon ng nasabing programa ay aabot sa loob ng 100 araw, hanggang sa katapusan ng school year kung saan ang mga mag aaral sa grade school ay pakakainin ng masustansyang tanghalian at meryenda para maging malusog at matatag na KaBataan.
Samantala ayon naman kay BBJVI Executive Vice Pres, anim (6) na K ang bibigyang diin nila at ito ay, ang BBJVI ay Kaibigan, Kakampi, Katuwang sa Kaunlaran at sa Kalusugan.
Umabot sa 614 ang mga batang mag aaral na benepisaryo ng nasabing programa.
The post 5.7M pondo mula sa BBJVI para sa Bataan Healthy School Setting appeared first on 1Bataan.