Umabot sa 500 indibidwal ang naging benepisyaryo ng isinagawang Duterte Legacy Caravan sa barangay Doña Francisca sa lungsod ng Balanga, Bataan.
Pinangunahan ito ng Bataan Police Provincial Office katuwang ang iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Police Provincial Director PCol. Romell Velasco na ang Duterte Legacy Caravan ay parte ng kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict upang mapaabot sa bawat mamamayan ang mga programa ng gobyerno.
Nakibahagi rito ang Department of the Interior and Local Government, Provincial Health Office, Department of Labor and Employment, Public Employment Service Office, Technical Education and Skills Development Authority, Bureau of Fire Protection, Department of Trade and Industry, Office of the Provincial Agriculturist at Department of Social Welfare and Development. Nakiisa rin ang Bataan Lions Club at Recovery and Wellness Program graduates.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay sa mga mamamayan ang libreng gupit, libreng masahe, pamamahagi ng mga reading glasses, at bloodletting.
Tampok din ang proyektong talipapa para sa mga katutubong Aeta.
The post 500 katao, benepisyaryo ng Duterte Legacy Caravan sa Bataan appeared first on 1Bataan.