Naging malaking katuwaan para kay DTI Provincial Director Nelin Cabahug ang paglahok ng 53 suppliers sa kabubukas na Diskwento Caravan kahapon, kung saan, tatlo (3) sa mga ito ay mula pa sa Marikina na may produktong mga sapatos, dalawa (2) mula sa lalawigan ng Rizal at isa mula sa Quezon City.
Ipinaliwanag ni PD Nelin Cabahug ang dalawang klase ng Diskwento Caravan; isa yong tinatawag nilang “balik eskwela” na idinadaos sa mga buwan ng Mayo at Hunyo, para sa pasukan ng mga estudyante at ang ikalawa ay yung sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre para sa sa kapaskuhan.
Dagdag pa ni PD Cabahug, malaking bagay ang mga ganitong diskwento caravan para sa ating mga MSMEs dahil napo-promote ang kanilang mga produkto at nakapagbibigay pa ng oportunidad sa ating mga mamimili lalo na yung mga daily wage earners na makabili ng mga de-kalidad na produkto sa mura at abot-kayang halaga.
Pinasalamatan din ni PD Cabahug sina Mayor Francis Garcia, CEIDO Negosyo Center, Provincial Tourism Council, Pilar Mayor Charlie Pizarro at Pamahalaaang Panlalawigan sa walang sawang suporta.
The post 53 suppliers, nag-alok ng mababang presyo appeared first on 1Bataan.