570 PNP personnel, idineploy sa Bataan

Philippine Standard Time:

570 PNP personnel, idineploy sa Bataan

Nasa 570 PNP personnel mula sa Bataan Police Provincial Office (BPPO) ang nakadeploy ngayong election period sa lalawigan ng Bataan. Ito ang iniulat ni Bataan PNP Provincial Director, Police Col. Romell A. Velasco sa isinagawang Pulong Balitaan sa kanyang tanggapan sa Camp Cirilo Tolentino nitong Lunes, Pebrero 7, 2022.

“Meron tayong 677 organic PNP Personnel, out of that… 57 will be deployed to different polling centers and other security concerns like sa Comelec, sa Board of Elections Inspectors escort, sila po yung madedeploy, the remaining number of personnel will do the routinary police functions,” wika ni PD Velasco.

Dagdag pa ni Col. Velasco katuwang rin nila ang iba pang ahensya kagaya ng AFP, BFP at mga force multipliers para sa pagmimintina nang maayos na pagpapatupad ng mga aktibidad sa papalapit na eleksyon sa Mayo a nueve ng taong ito.

Bukod dito, nagpapatuloy din, ani Velasco, sa pagbabantay ang kapulisan ng Bataan sa mga entry at exit points katuwamg ang iba pang ahensya para sa pagpapatupad ng mga iniatas na panuntunan ng Inter-Agency Task Force ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

The post 570 PNP personnel, idineploy sa Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous Balitaan sa 1Bataan 2022 | Episode 3

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.