5R’s para mabawasan ang basura

Philippine Standard Time:

5R’s para mabawasan ang basura

Naging maganda ang pagtanggap ng mga magulang at guro gayundin mga opisyal ng LGU at barangay sa proyektong Trash to CashBack ni Cong. Gila Garcia na inlunsad sa Brigada Eskwela 2023.

Talaga umanong napapanahon, malinaw ang mga paliwanag at higit sa lahat, nakakaengganyo ang mga insentibong nakapaloob sa pag iipon at pag- segregate ng basura. Ayon kay Cong. Gila itinaon niya ito sa paglulunsad ng Brigada Eskwela bago ito ipalaganap sa mga komunidad. Paliwanag pa ni Cong. Gila, alam raw ba natin na bawat isang tao ay nakaiipon ng 1/2 kilong basura araw araw, isipin na lang natin kung gaano karaming basura iyon kada linggo, kada buwan sa laki ng populasyon ng bawat bayan, kung kaya’t naisip umano niya ang nasabing proyekto sa tulong ng iba’t ibang ahensya gayundin tinarget niya ang mga bata sa paaralan. Dagdag pa ng mga magulang, maganda umano ang naging paliwanag ni Cong Gila sa 5R’s para mabawasan ang basura sa pamamagitan ng

Refuse- na matuto na umanong tumanggi sa ibinibigay na mga plastic kapag bumibili,
Reduce- bawasan na umano natin ang pagdadagdag ng basura sa tahanan,
Reuse na baka pwedeng magamit pa ng kung ilang beses ang mga plastic
Re-purpose na baka pwedeng magawa na creative crafts ang mga ito at
Recycle na may malalaking kompanya tulad ng BEST na nakausap nila Cong Gila na kukunin ang mga basurang naipon para irecycle.

Sinabi pa ni Cong Gila na tayo ang gumagawa ng basura na marapat lang umano na tayo din ang maging solusyon dito, isa pa, gusto nating magkaisa para maging ligtas ang ating mga tahanan, maiwasan ang pagkakasakit dahil sa maruming kapaligiran , maiwasan ang pagbaha dahil sa mga basurang bumara sa kanal, dahil ang nais natin ay isang malinis at malusog na kapaligiran.

The post 5R’s para mabawasan ang basura appeared first on 1Bataan.

Previous ‘Trash to CashBack’ project inilunsad sa Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.