Sa katatapos na groundbreaking para sa itatayong Samal Super Health Center, ibinalita ni Senador Bong Go na aabot na sa 629 ang bilang ng mga Super Health Centers na naipatayo at ipatatayo sa buong bansa.
Noong taong 2022 ay umabot sa 307 ang mga naitayong Super Health Center samantalang sa taong ito (2023) ay 302 ang nakaplanong ipatayo, kung saan 7 rito ay sa lalawigan ng Bataan kabilang na ang sa bayan ng Samal.
Sinabi pa ni Senador Go na, ang Super Health Center ay isang medium-type na polyclinic na mas malaki sa Rural Health Center pero mas maliit sa ospital, na pwede ang paanakan o birthing, dental, laboratory, x-ray, pagbabakun at sa ibang LGU ay nilalagyan din ng diaysis center depende sa kakayahan ng kanilang badyet.
Ibinalita rin niya ang pagpasa sa Senado ng kanyang Senate Bill 2212 o Specialty Center bill na kulang na lang umano ang lagda ng Pangulong Bongbong Marcos. Ito ay ang pagtatatag ng mga specialty centers sa iba’t ibang DOH Regional Hospitals, halimbawa ay pagkakaroon ng Heart Center sa isang DOH Regional Hospital, upang hindi na kailangang lumuwas ng Maynila ang mga pasyente na malaking kabawasan sa kanilang gastos at pagod dahil nandoroon na mismo ang nasabing specialty center. At pwede rin na magkaroon ng Kidney Center, Lung Center, Cancer, Neonatal at iba pa.The post 629 na Super health Centers sa buong bansa appeared first on 1Bataan.